fbpx

Robredo kay Duterte: SALN Release Muna

Ramdam niya iyon': Robredo says Duterte knows she's 'not a threat' |  ABS-CBN News

MANILA, Philippines — Kamakailan lamang sa isang talumpati, kinuwestiyon ni Pangulong Duterte kung sino ang nag-o-audit sa COA dahil mahirap umano ang walang sumisilip na tagasilip at handa daw siya i-audit ito kapag nanalo siyang Bise-Presidente sa darating na halalan 2022.

Kung matatandaan, sunod-sunod ang pagpuna ng COA sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan patungkol sa mga “deficiences” o paggastos ng pondo ng taumbayan na hindi naman nagustuhan ng pangulo kung kaya’t inutusan ang ahensya na itigil ang paglalabas ng audit reports habang hindi pa umano tapos ang kaniyang administrasyon.

READ MORE: Duque, Gusto na Sibakin sa Puwesto!

Pinuna naman ang patutsadang ito ni Bise Presidente Leni Robredo at sari-saring mambabatas.

Saad ni Robredo, “There are so many other ways to show that you’re anti-corruption. [What about] your SALN? That’s one of the biggest ways to really show that there is no corruption.”

Disbelief, 'sweet' vindication: Robredo shares moment she learned of SC win


Nagrerepresenta umano ang Pangulo na mag-audit ng katiwalian sa gobyerno gayong hindi pa siya naglalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas o isinasapubliko ni Duterte ang kaniyang SALN simula 2018-2020 – bagay na hinihingi ng Article XI Section 17 ng 1987 Constitution at Republic Act 6713 ito.

Pinuna rin ito ng ACT Teachers party-list Rep. France Castro, saad niya, “Meron ka pang walong buwan sa iyong panunungkulan para patunayan ‘yung sinasabi mong walang korapsyon sa iyong pamahalaan. Unahin mo na ‘yung sarili mo, ilabas mo ‘yung SALN [mo] na matagal nang mandated ng batas.”

Wala umano itong karapatan magsabi ng tungkol sa pagsugpo sa korapsyon. Kung saan kitang kita naman na ang administrasyon ngayon ay punong-puno ng korapsyon.

PNP chief takes back COA remarks, orders cops to comply with audit findings  | Philstar.com


Ilan sa mga “kwestyonableng” paggastos ng gobyerno sa isyung ito at ay ang P67.3-B COVID-19 response funds ng Department of Health, P170.273 milyong halaga ng electronics devices na binili ng Department of Information and Communications Technology mula sa isang construction firm, paglilipat ng P160 milyon ng Technical Education and Skills Development Authority sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at marami pang iba.

ALSO READ: DOT Nag-Aksaya ng P52-M sa Promotional Materials