fbpx

Robredo hindi papatinag sa mga propaganda ni Marcos

Hindi pinalampas ni Vice President Leni Robredo ang sunod-sunod na paninira sa kanyang pamilya.Ito ay matapos na kumalat sa social media ang link sa sex video ‘di umano ni Aika Robredo, panganay na anak ni Leni.

Sa isang panayam sa campaign stop sa Pangasinan noong Biyernes, Abril 8, sinabi ni Robredo na kilala nila kung sino ang nasa likod ng mga paninira na ito at iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang katunggali na si Bongbong Marcos.

Ayon kay Robredo, hindi daw sila matitinag sa ganitong mga propaganda na ang layunin ay pahinain ang pwersa ng kanyang partido at mabaling ang tiwala ng mga taga suporta.

“Hindi ako nagugulat dahil ito na talaga ang kalakaran noong kalaban simula nu’ng natalo siya noong 2016. Simula noong 2016, inulan na ako ng fake news. Pero hindi ako nababawasan [dahil sa fake news]. Ang nababawasan, iyong napapaniwala niya,” sabi pa ni Robredo.

Sinagot naman ang mga paratang na ito ng kampo ni Marcos. Sa isang pahayag ni Vic Rodriguez, Spokesperson ni Bongbong, pinasungalingan ito ng kampo at iginiit na si Robredo mismo ang nagpapakalat ng mga fake news.

“Robredo and her yellow crew can no longer deceive the Filipino people as we have all been awakened from their propaganda of lies, falsehood and politics of deception.In the spirit of Lent, I admonish you not to pass on to us your brand of fake, hateful, negative and gutter politics,” ayon kay Rodriguez.

Samantalang, tinukoy naman ni Robredo na sa loob ng anim na taon hindi siya tinantanan ng mga taong nakapaligid kay Marcos tulad na lang ng mga influencers at trolls at ng kanyang mga galamay na patuloy na nagtatrabaho para sa kanya.