Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang frontrunner at katunggaling si dating senator Bongbong Marcos sa isang one-on-one debate upang makilala ito nang maigi ng tumbayan.
“Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipagdebate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya,” pahayag ni Robredo.
Iginiit ni Robredo na tanging si Marcos na lamang ang hindi pa humaharap sa publiko sa isang pormal na debate kung kaya’y hindi ito nabibigyan ng pagkakataon upang mas makilala pa siya ng taumbayan.
Ang tangi lamang ni nilahukan ni Marcos ay ang debateng inorganisa ni Pastor Quiboloy na isang fugitive sa Amerika sa salang sex trafficking. Kapwa inendorso siya nito kasama ni vice presidential aspirant Sara Duterte.
Samantalang apat lamang sa pagka-pangulo ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa panel interview at apat rin sa pagka bise presidente.
Hindi man makakalahok si Vice President Robredo, kanya namang sinabi na naipahayag na niya lahat ng kanyang plano at plataporma sa hindi mabilang na interviews at public debates.
“Naihayag ko na sa maraming pagkakataon ang track record, mga plano, at mga prinsipyo ko. Maraming beses na akong nagbigay ng panayam sa mga panel interview at naka-post online ang lahat ng recording na ito,” dagdag pa ni Robredo.
Ang panel interview ay pangungunahan ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas bilang ka-partner ng Comelec at ipalalabas sa publiko simula Mayo 2 hanggang Mayo 6.