MANILA, Philippines —Sa isang pahayag, iprinoklama ng Nagkaisang Tugon, grupo ng dating student leaders sa University of the Philippines na itinatag 40 taon na ang nakalipas, na si Vice President Leni Robredo ang kanilang susuportahan bilang pangulo sa darating na Eleksyon 2022.
Para sa kanila, si Robredo ang tamang tao para pangunahan ang bansa, taglay umano niya ang mga katangian ng isang lider na kailangan ng bansa.
“Kami ay naniniwala at nagpapahayag na si Leni Robredo ang tawag ng panahon para mamuno ng bayan,” saad ni Soriano, lead convenor at co-founder ng Nagkaisang Tugon/ Nakikita nila ang ikabubuti at ikauunlad ng bansa sa Makatao, Makabayan at Maka-Diyos na paraan.
Nagpahayag din ng suporta ang Samasa Alumni Association, Inc., na dating katunggaling grupo ng Nagkaisang Tugon, sa hangaring maglagay ng epektibo at maayos na pamahalaan na pinangungunahan ni VP Leni.
ALSO READ: VP Leni, Nag-Graveyard Shift Dahil sa Dami ng Humihingi ng Tulong sa E-Konsulta