fbpx

Relos ni Pialago, Nakaka ‘Passed-away’ Ang Presyo!

MANILA, Philippines – Muling usap-usapan ngayon sa social media ang MMDA Assistant Secretary na si Celine Pialago matapos nito ipagmayabang ang kanyang relos na Richard Mille RM 11-03 Chronograph na nagkakahalaga ng $191,500 o kulang-kulang P10 milyon!

RM 11-03 ⋅ RICHARD MILLE | Automatic Winding Flyback Chronograph

Giit ng mga netizens, saan kaya kumuha ng pambili si Pialago ng ganito kamahal na relos?

May nagpost pa kung magkano ang sweldo ni Pialago ayon na din sa COA report.

Lumalabas na wala pa sa dalawang milyong piso ang sweldo na nakukuha ni Pialago kada taon. Ibig sabihin, kahit limang taon pa sya magtrabaho sa gobyerno at wala syang ibang gagastusin ay hindi pa rin nya afford ang bumili ng ganitong relos.

May be an image of 2 people, people standing and text that says "MALA SAKIT MOVEMENT"