Kinuwestiyon ng kampo ni Marcos at ni solicitor general Jose Calida ang Rappler sa ‘di umanong pakikipagtulungan nito sa COMELEC sa pagpapakalat ng balita at pagtutuwid ng mga Fake news.
Pumirma ang Rappler ng kasunduan sa COMELEC na naglalayong bigyang linaw ang mga balita kaugnay sa eleksyon at ituwid ang mga maling impormasyon.
Ayon sa kampo ni Marcos, ang rappler ay isang foreign entity o hindi pagmamay-ari ng isang Pilipino kung kaya’t hindi ito maaaring pumasok sa kahit ano mang kontrata kaugnay ng halalan.
“The company does not have any legal personality to perform any corporate act, let alone enter into a MOA with the COMELEC for the upcoming 2022 elections.” pahayag ni Calida.
Ang pahayag na ito ay MALI. Ayon sa sinabi ng SEC tong 2018, maaaring ituloy ng Rappler ang pakikialam nito sa mga nangyayari sa bansa hangga’t walang pinal na kautusan ,mula. Court of Appeals.
Tila nag-iilusyon si Calida nang sabihing nakikipagtulungan ito sa COMELEC upang hadlangan si Marcos.
“Solicitor General Jose Calida’s claims on Monday, February 28, are fraught with falsehoods, innuendos, and hallucinations.The MOA is about “helping the poll body disseminate truthful information to voters and ensure transparent elections,” pahayag ng Rappler.
Nagsalita naman ang spokesperson ng COMELEC upang linawin ang kanilang panig.
“As far as Comelec is concerned, hindi pa tapos ang kaso.” sabi ni Jimenez
“If it’s pending before CA, it seems to me that a final determination hasn’t been reached yet. The Comelec is not the proper venue to make that proper determination… So if they’re able to operate now, why should they not be considered a legitimate news organization?” dagdag pa ng spokesperson.
Matatandaang si Bongbong Marcos at Jose Calida ay matagal nang magkaibigan sa halos apat na dekada.