Inihayag ni University of the Philippines professor Clarita Carlos na hindi na niya maaatim iboto si Bongbong kung patuloy itong magno-”no show” sa mga presidential debate at interview bago mag-eleksyon.
“Kung hanggang May 9 hindi ka sumipot, talagang hindi kita iboboto. Ayaw mo bang ipakita ang kabobohan mo o natatamad ka lang?” ani Carlos.
Matatandaang naging napakailap ni Bongbong sa anumang presidential debate na isinagawa ng iba’t ibang mga media network gaya ng ABS-CBN, GMA, TV5, o CNN. Bukod-tangi sa mga dinaluhan niyang debate ay ang inorganisa ng SMNI News, ang network na pag-aari ng pastor at Kingdom of Jesus Christ church leader na si Apollo Quiboloy sa Davao.
Dagdag pa ni Carlos, mahaba-haba ang gugugulin ni Marcos sa pagkapangulo kung sakaling siya ang maihahalal kaya dapat lamang na magpakita siya ng dedikasyon sa mga pampublikong kaganapan gaya ng mga debate o interview.
“Two thousand days ka magiging presidente, eh ‘yang lang interview natatamad ka. Hello?” sabi ng propesor.