MANILA, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang krisis na kinakaharap ng ating bansa, tila nago-overtime ngayon ang mga Pro-Duterte websites and trolls upang siraan si Vice President Leni Robredo.
Nagpalabas ng online article ang isang Pro-Duterte website na Daily Tribune noong February 5, 2019. Ayon sa nasabing article, naninirahan umano si Vice President Leni Robredo sa isang mansion sa Quezon City na may rent na 1 million pesos per month.
“Robredo currently lives in a luxury mansion in the expensive New Manila district in Quezon City. The P1-million monthly rent for it is paid for by the government.”
– Daily Tribune
Mansion Kuno
Agad naman itong pinabulaanan ng Office of the Vice President (OVP). Pinakita ng OVP na walang katotohanang nakatira si VP Leni Robredo sa isang mansion. Ang tinutukoy ng Fake News Article ng Daily Tribune na mansion umano ay ang Quezon City Reception House (QCRH) na pag-aari ng Quezon City Government.
Kung titingnan, malayo sa sinasabing mansion ang QCRH. Ito ay isang nirenovate na bahay na nagsilbing reception center ng Quezon City Government.
Sa kasalukuyan, ito ay nirerentahan ng OVP. Dito nagsisiksikan ang mga staff ng Opisina ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
Mas mura at mas simple kesa Coconut Palace
Matatandaan na noong panahon ni Vice President Jejomar Binay, nasa magarbong Coconut Palace ang opisina ng Pangalawang Pangulo.
Nang mahalal na Pangalawang Pangulo si Leni Robredo, agad nyang sinabi na ayaw nyang gawing opisina ang Coconut Palace dahil masyadong magarbo at mahal ang renta. Mas pinili nya ang Quezon City Reception House (QCRH) na inoffer ng Quezon City Government sa murang renta under kay then-Mayor Herbert Bautista.
Hamon para sa Fake News Daily Tribune
Kaya naman ang hamon ngayon sa Daily Tribune ay ilabas kung saan nila nakuha ang 1 million per month rental accusation nila laban sa Vice President. Kung kikilatisin ang article, wala silang pinakitang source o kung ano man.
Possible Legal Actions Against Daily Tribune
Isang grupo ng mga lawyers ngayon ang gumagawa ng case build-up laban sa mga admins ng Daily Tribune dahil sa mga FAKE NEWS na pinapakalat nito.
“Papadalhan ng notice ang Daily Tribune. Unless gumawa sila ng public apology para sa mga FAKE NEWS na pinapakalat nila, sisimulan natin ang kaso laban sa kanila.” ayon sa grupo.
#BantayNakaw