MANILA, Philippines — Kapansin-pansin ang paglaganap ng social media trolling sa bansa simula ng maupo si Duterte sa puwesto.
kamakailan lang ibinulgar ni Sen. Panfilo Lacson ang ginagawa umano ng isang “undersecretary” ng gobyerno na pagtatatag ng tig-2 troll farms sa bawat probinsya gamit ang pondo ng pamahalaan para sa nalalapit na halalan.
habang papalapit ang 2022 elections mas umiinit ang bakbakan sa social media lalo na’t pag politika ang pinag uusapan.
Dahil dito lantaran lumalawig ang industriya ng political trolling sa bansa, ang masaklap pa umano pati ang mga kilalang news site ay nababayaran na rin na possible umanong may hawang ng troll farm.
Kung maaalala nahuli ang ilan sa mga kilalang news site sa bansa, nakalimutan umano nitong magpalit ng account kaya’t Official Account ang nagamit.
Makikita dito na pinupuri nito si Duterte habang naka Live ito.
Sinundan naman ito ng isa pang insidente kung saan ang isa pang kilalang News Site ay makikitang pinagtatanggol ang administrasyong Duterte sa mga kritiko nito.
Sa kumalat na post, makikita na nagkomento ang isang netizen tungkol kay Sara at Bong Go. Nakakagulat naming sumagot naman ang Manila Bulletin at mariin nitong pinagtatanggol si Bong Go
Paliwanag nito nagkamali lang umano ang isang empleyado nito ng magamit ang official facebook account ng kilalang news site.
Ngayong taon mas dumagdag pa umano ang bilang Pro-Duterte fake accounts, ginagamit umano ito sa pananakot at pangbubully sa mga kritiko ng gobyerno.