MANILA, Philippines – Sa lahat yata ng pulitiko ngayon sa Pilipinas, si Vice President Leni Robredo ang pinaka maraming ginawan ng fake news.
Kung susuriin mabuti ang mga accounts ng mga nagpapakalat, halos lahat sila ay mga pro-Duterte/Marcos na mga troll accounts.
Nang pumutok ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 last week, pinutakte ng fake news ang social media mula sa mga pro-Duterte/Marcos trolls. Ito ang ilan sa kanilang mga pinakalat:
Ang ibang sistema nila, ineedit ang mga pictures ng news articles.
Ang matindi ay ang plano nilang pagsabotahe sa pagbibigay ng libreng sakay para sa mga health workers.
Kadugtong naman nyan ay ang papuri nila sa administrasyong Duterte. Nahuli sila sapagkat pare-pareho ang script na ginagamit ng mga trolls. Ito ang ilan sa mga compilations:
“Sobrang Bilib Na Talaga Ako Kay President Duterte…”
“Kawawa ang presidente…”
“Sa medical team na gagawa ng checkpoint…”
Maliban dyan, nagpapakalat din sila ng maling impormasyon tungkol sa COVID. Pinaka latest ay ang SAGING FAKE NEWS kung saan pati si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay nakijoin:
Gumagastos para sa troll army
Ayon sa pag-aaral ng University of Oxford, gumastos umano ng higit sa $200,000.00 o katumbas ng higit 10 milyong piso ang kampo ni Pangulong Duterte para sa mga “troll armies” nito.
Ito ay ginagamit upang laging ipresenta sa social media na marami ang supporters ng presidente. Ito din ang ginagamit nila sa pambabash ng mga tumutuligsa sa pangulo.
Inamin mismo ito ni Pangulong Duterte.
“P10 million ang gastos ko? Ako? Sa election siguro, sa elections ma’am more than [that]…They were all during the campaign,” statement ni Pangulong Duterte sa isang panayam noong July 24, 2017.