BEIJING (AP) – Ayon sa report ng South China Morning Post, sinimulan na ng China ang application upang i-patent ang posibleng lunas sa Novel Corona Virus (nCoV).
Ibig sabihin nito, posibleng magkaroon ng complete control ang China sa kung sino lang ang pwede mabigyan at magmanufacture ng nasabing gamot.
Remdesivir
Ang gamot ay tinatawag na remdesivir at sinasabing “hightly effective” umano sa pagkontrol ng Corona Virus. Ayon sa website ng Institute of Virology sa Wuhan, sinumulan na nila ang pagapply sa patent noong January 21, 2020.
Ang Institute of Virology sa Wuhan ay nasa ilalim at kontrolado ng Chinese Government.
Ayon sa nasabing Institute, ginawa lamang nila ito “to protect the national interests” ng China.
American-Made?
Ngunit tila magkakaroon ng problema ang China. Ang remdesivir ay gawa ng Gilead Sciences Inc., isang American Company. Ayon sa Gilead, 2016 pa noong inapply nila ang Chinese Patent para sa remdesivir.
Mabagal na Distribution ng Gamot, Posibleng Maging Epekto ng ‘Patent War’
Dahil sa claimants ng patent, posibleng mangyari ang patent war. At dahil dito, kung talagang effective ang remdesivir na gamot, maaring matagalan ang pagmanufacture at distribution nito sa mga nangangailangan.