fbpx

POGO Island sa Kawit, Halos Tapos Na

KAWIT, CAVITE, Philippines – Matatandaan na noong Agosto 2019, ibinulgar ng Bantay Nakaw Coalition ang pagbili ng mga Chinese ng isang isla sa historic municipality ng Kawit, Cavite.

Ang isla na ito ay ang kinatatayuan ng dating Island Cove na pagmamay-ari ng mga Remulla. Si Jonvic Remulla ang kasalukuyang Gobernador ng Cavite. May animal sanctuary din at mangrove area sa nasabing isla.

Ayon sa mga reports, 7 Billion pesos umano ang ibinayad ng mga Chinese sa mga Remulla para sa nasabing isla.

Agad na sinimulan ang construction sa nasabing isla para gawing POGO Island kung saan 20,000 – 50,000 Chinese ang sinasabing magiging empleyado.

Maliban dito, sobrang lapit din ng POGO Island sa Sangley Point base ng ating militar. Isa itong malaking national security risk.

Ito ang itsura ng nasabing isla last year lamang:

Ngayong Pebrero 2020 lamang ay may mga netizens ang nagpost ng litrato ng POGO Island galings sa ere.

Kuha mula sa eroplano ng isang netizen na pauwi ng Maynila.

Halos Walang POGO ang Nagbabayad ng Tax

Sa kabila ng pagdami ng mga POGO sa bansa, sinabi ng BIR na karamihan sa mga ito ay hindi nagbabayad ng tax.

Kamakailan, kumalat sa Social Media ang video ng “Pastillas Modus” ng mga Immigration Officers sa Airport kung saan binibigyan ng special treatment ang mga pumapasok na Chinese kapalit ng sampung libong piso (Php10,000) kada ulo.