MANILA, Philippines – Ayon sa report ng Philippine Statistic Authority (PSA), naitala noong 2019 ang pinaka kulelat na maglagoi ng ekonomiya sa loob ng walong taon.
Kahit umano medyo umangat ekonomiya noong huling bahagi ng taon (4th quarter) kung saan lumago ito ng 6.4 percent, hindi pa din ito naging sapat upang bawiin ang kulelat na performance para sa buong taon.
Si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na mismo ang nagsabi na hindi kayang ma-achieve ang goal ng Administrasyong Duterte dahil dito.
Ayon naman sa Palasyo, hindi daw sila nababahala sa bagsak na paglago ng ekonomiya.
“Sabi naman nila ganun daw talaga yun eh, pag bumaba wala nang ibang puntahan kung di umakyat, why worry?” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Ayon sa mga eksperto, malaki ang epekto ng bagsak na ekonomiya sa pagpapatupad ng mga pangako ni Pangulong Duterte tulad ng Build Build Build. Malaki ang magiging budget deficit kung saan mas kakailanganin mangutang ng Pilipinas upang punan ang pagkukulang sa budget na epekto ng matamlay na pagangat ng ekonomiya.
Dahil dito, mas mababaon sa utang at interest ang Pilipinas.
#BantayNakaw