MANILA, Philippines – Kahit na Pilipinas ang nagtala ng may pinakamahabang lockdown period sa buong mundo, tayo na ngayon ang may pinakamabilis na infection ng COVID sa buong Western Pacific ayon sa World Health Organization (WHO).
READ MORE: World’s Longest Lockdown, Naitala ng Pilipinas. Kulang Pa Din ng #MassTesting
Mula June 16-27, 2020, nagtala ng 8,143 confirmed infections ang Pilipinas. Wala pa sa numerong ito ang mga namatay na hindi na pinaglaanan ng test kits.
READ MORE: Cebu Gov: Testing the Dead Creates ‘Unnecessary Fear’. Hindi Daw Dapat Katakutan ang COVID-19
Isa sa mga maaaring dahilan umano nito ayon sa mga eksperto ay ang hindi pagsasagawa ng mass testing ng Pilipinas sa kabila ng ginawang lockdown. Kung may mass testing sana na naganap, mas magkakaroon tayo ng data for analysis kung saang mga lugar ang mabilis ang pagkalat ng COVID.
Makikita na naging successful sa pagsugpo ng pagtaas ng COVID cases ang mga bansang nagsagawa ng mass testing.
READ MORE: ECQ NO MORE? Mocha at Manager, Nagtawag sa mga Followers na Lusubin ang ABS-CBN Compound
“Panalo tayo!”
Sa kabila nito, tila hindi apektado ang Duterte Administration.
Sa kanyang pahayag na ngayon ay viral na, pinagdiinan ng Presidential Spokesperson Harry Roque na panalo tayo dahil hindi natupad ang prediction ng UP na aabutin ng 40,000 ang COVID cases by the end of June. Higit 36,000 lang daw kasi ang naitala. Ngunit hindi yata alam ni Roque na libo-libo pa ang backlog ng testing na nangyari.