Pilipinas, Hindi na Kailangang Mag-angkat ng Isda Ayon Kay Marcos

Pilipinas, Hindi na Kailangang Mag-angkat ng Isda Ayon Kay Marcos

“Galunggong, pinakamadaling alagaang isda sa bansa.”

Ito ay isang maling impormasyon. 

Sa isang panayam ng DZRJ kay Presidential candidate Bongbong Marcos, iginiit niyang hindi na kailangan mag-angkat ng galunggong sapagkat kaya naman daw itong makuha sa bansa.

“I cannot still believe that we are importing galunggong. How is this possible? We occupy, we are an archipelagic country. Ang pinakamadaling alagaan ay galunggong. Hindi ba pangmahirap nga dapat ‘yan? You can get that anywhere, di ba, tapos nag-i-import tayo,”

pahayag ni Marcos.

Hindi ito totoo. 

Ayon sa Department of Agriculture nasa experimental stage palang umano ang pagpaparami ng galunggong sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan nagsasagawa pa lang ng research at pag-aaral hinggil dito ang mga researchers na mula sa The Southeast Asian Fisheries Development Center-Aquaculture Department o SEAFDEC-AQD.

Labis na nababahala ang iba dahil sa simpleng usaping pang-ekonomiya ay tila hindi sapat ang kaalaman ng frontrunner na si Marcos.

Ang nasabing panayam kay Marcos ay mapapanood sa facebook page ng The Philippine Star at  mayroon na itong 1,500 reactions, 671 comments, at 19,000 views.