fbpx

Parlade: Problema ng Bayan si Bong Go

Manila, Philippines – “I cannot align with Senator Bong Go. I’m sorry but isa siya, kasama siya sa mga problema ng bayan natin”, ito ang naging pahayag ni Retired Lieutenant General Antonio Parlade Jr. nang siya ay tanungin kung bakit niya kinalaban ang kasamahan sa administrasyong Duterte.

AFP mum on Parlade remarks vs. Bong Go – Daily Tribune

Ani pa ni Parlade, “Wala akong beef with Senator Bong Go. I just don’t like the way he does things including controlling the decisions of the President.” Alam din diumano ito ng mga opisyal at sundalo sa militar at sa Philippine army, maging ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Parlade slams Bong Go: 'Kasama siya sa problema ng bayan' |

Si Parlade ay nagbitiw at nagretire mula sa NTF-ELCAC noong Hulyo ng taong ito, ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay siya ay itinalaga ni Duterte bilang deputy director general ng National Security Council.

Si Parlade rin ay nakilala bilang “red-tagger” ng mga aktibista, journalist, abogado, at maging ng mga estudyante. Sa kabila ng kanyang mga ginawa para sa pangulo ay hindi pa rin siya itinalaga sa pinakamataas na posisyon sa armed forces.