Ayon kay Danilo Ramos, chairperson ng samahang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), unal na raw iminungkahi ang solusyon na ito noong taong 1980 pa sa bisa ng Kadiwa program kung saan bumili ang pamahalaan ng maramihang bigas sa murang halaga.
Ngunit para kay Ramos, hindi na dapat ulitin ito dahil hindi ito humantong sa magandang resulta.
“Why would we repeat another failure? But then again that pretty much sums up Marcos Jr.’s candidacy,” ani Ramos.
Gumastos ang pamahalaan ng P18 milyon sa loob ng 2 taon sa nasabing Kadiwa program pero nag-resulta lamang ito sa hoarding at raid.
Pagdating ng Nobyembre 1984, ang presyo ng bigas ay lumobo pa ng 25.9% sa halagang P5.35 kada kilo na isang-katlo na ng noo’y P16 na pang-araw-araw na minimum wage.
Ani Ramos, ang tanging “sustainable” na solusyon sa pagpapababa ng halaga ng bigas ay ang pagpapataas sa lokal na produksyon nito.