Nanatiling matibay ang desisyon ng pamilyang Marcos sa hindi pagbabayad ng estate tax na iniwan ng dating diktador Ferdinand marcos. Ang tax ay nagkakahalaga ng lagpas 200 bilyong piso.
Kaugnay nito sinabi ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang tax ay lumobo mula sa 23 bilyon dahil sa hindi pagbabayad ng mga Marcos.
Iginiit naman ni Victor Rodriguez,spokesperson ni Marcos na ang kaso ay hindi pa pinal at nakabinbin pa sa korte.
“Our rivals are misdirecting everyone by claiming that the case has attained finality when the truth of the matter is, it is still pending in court,” pahayag ni Rodriguez.
Matagal nang ipinapanawagan ng mga kritiko tulad ni Carpio sa BIR ang pagsampa ng kaso sa pamilyang Marcos kaugnay ng estate tax liability nito.
Sinabi naman ni Henares, dating BIR commissioner na mahihirapang sampahan ng kaso si Marcos kung ito’y mananalo bilang pangulo dahil sa presidential immunity.