fbpx

Palit Oligarchs? Duterte, Sinabing Gusto Nyang Mas Payamanin ang mga Kaibigan

JOLO, SULU, Philippines – Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo noong Lunes, July 13, 2020, deretsahang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi sya magdadalawang isip na mas payamanin ang kanyang mga kaibigan.

‘Yung kaibigan kong tumutulong, ‘pag yumaman ka nang yumaman, mas maligaya ako,’ sabi ni President Rodrigo Duterte.

READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific

Ito ay sa kabila ng pagproject ng Pangulo na galit sya sa mga elitista at mga oligarchs. Dahilan na kanyang sinabi kaya ipinasara nya ang ABS-CBN.

Inedit ng PCOO ang Video ng Speech ni Duterte

Dahil taliwas ang mga sinabi ni Duterte sa mga unang sinabi ng Palasyo na walang kinalaman ang Pangulo sa pagpapasara ng ABS-CBN, inedit nila ang video ni Duterte at tinanggal ang mga bahagi na ito.

Ngunit nakakuha ng full audio ng nasabing speech ang mga media.

Panoorin.

https://www.facebook.com/rapplerdotcom/videos/724353878323048/

READ MORE: Matapos Magboomerang Kay Duterte: DDS Trolls, Pinipilit na Idinadawit si VP Leni sa Pagpapasara ng ABS-CBN

Isa si Dennis Uy sa mga malalapit na supporters ni Pangulong Duterte. Matapos umupo sa pwesto si Duterte noong 2016, yumaman ng husto at dumami ang nabiling kumpanya ni Dennis Uy.