MANILA, Philippines — Ginisa ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Health dahil sa hindi pagsunod umano nito sa panuntunan sa lantarang pag apruba ng ginawang pagbili ng crony ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy sa 45 porsiyentong stake ng Chevron sa Malampaya noong 2020.
Sa naganap na hearing nitong Martes, hinalungkat ni Gatchalian, chair ng Senate committee on energy ang approval ng Udenna-Chevron deal.
Kung maaalala Abril ng inaprubahan nila Secretary Cusi ng DOE ang Udenna-Chevron deal, matapos umano tingnan ang technical, financial, and legal capability ng nasabing kumpanya.
Saad ni Sen. Gatchalian, “Balu-baluktot ang financial analysis. My hunch is UC Malampaya is not qualified and UC Malampaya is Udenna. Para maging qualified siya, you evaluated UC38. In other words, namili kayo kung ano ang i-evaluate ‘nyo para mag-qualify,”
Makikita rin umano na 90% kontrolado na ni Uy ang Malampaya Project.
Sa nasabing hearing, idiniin ni Gatchalian na palpak ang ginawang internal evaluation ng DOE Financial Services. Hindi umano tiningnan ng opisina ang Financial Capability ng UC Malampaya.
Base sa nasilip na financial evaluation ng DOE unit, UC Malampaya and UC38 marami umanong dokumento ang hindi pirmado at unaudited.
Dismayadong saad naman ni Nancy Binay “They based on unaudited financial statements and based it on a draft work program? I am shocked, Mr. Chair. Small businesses have to undergo scrutiny while for this big transaction, their assessment was based on drafts,”
Dagdag pa ni Gatchalian, hindi lang umano ang financial at legal evaluation ang kuwestyonable “superficial” rin umano ang technical assessment na ginawa dito.
“Parang maling-mali ang proseso . This is very important. This is part of our energy security” Saad ni Binay
Sagot naman ng DOE may fina-follow up pa umano sila sa Energy Resource Development Bureau patungkol sa nasabing evalutation.