fbpx

Pacquiao, Nais Makipagusap Kay VP Leni ASAP

Ibinunyag ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na makikipagkita sya agad kay Vice President Leni Robredo pagkabalik nya galing Estados Unidos. Ito ay matapos nyang sabihin na handa syang makipag alyansa sa kung sino man ang may kaparehong hinahangad para sa bayan.

Isa si Pacman sa pinakamatunog na kandidato para sa pagkapangulo sa halalan 2022.

Pacquiao best only in boxing – Palace | The Manila Times

Ngunit sa kanyang interview sa CNN Philippines matapos ang laban nya kay Ugas, sinabi ni Pacman na hindi pa sya desidido sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Matatandaan na nagkagulo ang kanilang partidong PDP Laban matapos ipilit ng isang paksiyon na gawing standard-bearer si Sen. Bong Go kasama si Pangulong Duterte. Pinatalsik ng nasabing paksiyon sila Pacquiao sa partido.