MANILA, Philippines – Ilang Local Government Officials ang nagreklamo dahil sa inilabas na “quota system” sa distribusyon ng social amelioration funds (SAP).
READ MORE: Enhanced Quarantine, Posibleng Ma-Extend – National Task Force
Sa Social Amelioration Program (SAP) na ipinangako ni Pangulong Duterte, nakatakda dapat na mabigyan ng Php 5,000-8,000 cash monthly sa loob ng dalawang buwan ang mga mahihirap na pamilya.
Ngunit ikinagulat ng mga opisyales na biglang nagkaroon ng “quota system” kung saan hindi lahat ng mga kwalipikadong residente ay mabibigyan.
Ayon sa Twitter post ni Sen. Sherwin Gatchalian na dating Mayor ng Valenzuela, dahil sa quota system na ito, 60k na pamilya sa Valuenzuela ang hindi makakatanggap ng ipinangakong cash ni Duterte.
READ MORE: Duterte, Minaliit ang mga Janitors
In our 2015 census, Valenzuela has 155k families. I just learned that DSWD will give the P8k to only 95k families in Valenzuela. Anong mayayari sa naiwan na 60k na pamilya namin? Paano namin hahanapin yon 95k na pamilya? Anong qualifications para makasali sa 95k?
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) April 1, 2020
“Mga LGU ang masisisi”
READ MORE: Matapos Mabatikos: Duterte, Pinatalsik si PACC Commissioner Manuelito Luna
Dagdag pa ni Gatchalian, siguradong marami ang magagalit na umasang residente na magsisilabasan sa kanilang mga bahay para magreklamo. Mababalewala ang community quarantine. Tapos ang sisisihin ay ang mga local officials.
Kulang na kulang ang sa Malabon
Ayon naman mag Mayor Len Len Oreta ng Malabon, halos 42,000 na pamilya sa Malabon ang hindi umabot sa quota na ibinigay.
READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.
“COVID-19 spares no one, rich or poor. Every family deserves aid from the government in these extraordinary times. No one should be left behind,”
– Malabon Mayor Len Len Oreta
50,000 na pamilya ang hindi mabibigyan sa Muntinlupa
Isinapubliko naman ng Muntinlupa City Government ang memo na ibinigay sa kanila ng DSWD. Ayon sa nasabing memo, 53,636 na pamilya lang ang mabibigyan. Higit 100,000 na ang pamilya sa Muntinlupa. Ano na ang mangyayari sa halos 50,000 na pamilyang hindi mabibigyan?
READ MORE: PPE ISSUE: Cayetano, Tinawag na FAKE NEWS ang mga Health Workers
Panawagan ng Antipolo
Sa Facebook post naman ng Antipolo Mayor Andeng Ynares, sinabi nya na limitado lang ang bar-coded forms na ibinigay sa kanya ng DSWD. Ito ang gagamitin ng mga pamilya upang makuha ang cash.
Dahil dito, patuloy ang hiling ng mga barangays natin sa departamentong pangunahing tagapagpatupad, DSWD, na dagdagan ang mga SAC forms na ibinibigay niyo sa mga barangays o di kaya ay bigyan linaw ang mga kumalat na balita na UNA, diumano’y lahat ng pamilya ay mabibigyan at PANGALAWA, huwag daw tipirin kaya diumano’y pwede kahit xerox copy ng SAC forms at bahala na ang DSWD mag validate.”
– Antipolo Mayor Andeng Ynares
Base sa mga inilabas ng mga Mayors, ito ang kasalukuyang estimated na bilang ng mga pamilyang posibleng hindi mabigyan ng SAP Cash dahil sa “quota system”:
- MANILA: 250,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- VALENZUELA: 60,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- MALABON: 44,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- MUNTINLUPA: 46,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- PARANAQUE: 82,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- CAINTA: 34,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
As of posting time, wala pa ring sagot ang DSWD ukol sa mga statements ng mga Mayors.
READ MORE: Matapos i-Bash. DDS Site, Inangkin ang Project ni VP Leni. Pinagtawanan ng mga Netizens.
Comments
Comments are closed.
sana po ay maabutan po kme nang tulong nang pamilya ko 😢 alam ko pong napaka daming tao naapektuhan at pili lang ang pwedeng mabigyan pero sana isa po ako sa mapili na matulungan . maraming salamat po♥️ at sana marami pa po kayong matulungan ..