ILIGAN CITY, Philippines – Viral ngayon ang Commission on Audit (COA) report ukol sa mga gastos ng Iligan City Government na pinapangunahan ni Mayor Celso Regencia.
Kumalat ang isang Facebook post na nagscreenshot sa nasabing report:
READ MORE: INIWAN LANG: 14 na Mangingisdang Pinoy, Nawawala Matapos Salpukin ng Barko ng China sa Mindoro
Ilan sa mga malalaking binili ng nasabing LGU ay ang:
448,039 pesos para sa 1 PC na plastic mat
72,000 pesos for 1 TB EXTERNAL HARD DRIVE
64,000 pesos for 1 box of nails
6,700 pesos per gallon of cooking oil
4,100 pesos per kilo of drumstick
3,400 pesos per bag of cement
64,000 pesos for 1desktop printer
90,000 pesos per 1 unit of 2 HP window type aircon
1,575 pesos for 1 broomstick
141,000 pesos AB ROCKET TOTAL ABS WORKOUT
Ito ang link ng nasabing COA Report: https://www.coa.gov.ph/index.php/local-government-units/2018/category/7677-cities?fbclid=IwAR2M5ntzIVhYXfWpY-dSDmkuHq8piaZgokvG0aDvXMJPxzjkczeH42olX9Y
Mapapansin na puro sa middleman suppliers bumili ang nasabing LGU. At pare-parehong suppliers pa ang pinagbilhan ng mga overpriced na produkto.
Umabot sa P140,5408.900.23 ang binayaran ng taumbayan.
READ MORE: AYAW NA MAGBIGAY NG AYUDA? Gobyerno, Pinilit Mag-GCQ Kahit Hindi Handa.
Paliwanag nila…
Nagpaliwanag naman ang Iligan City LGU ukol sa COA Report na ito.
Ayon kay Atty. Dexter Sumaoy na Chairman ng Bids and Awards Committee, na naipaliwanag na nila ito sa COA.
Kaya daw umabot sa P600 per kilo ang manok ay dahil may kasama pa itong “ibang sahog”. Umabot din ng P2,000 ang binili nilang kalahating kilo ng sibuyas.
Tungkol naman sa P1,300 para sa 25 kilo ng bigas, mataas daw ang bili nila sa mga bigas dahil sa pandemya.
READ MORE: Pagbili ng China sa National Grid Corp. ng Pinas, Ayos Lang Kay Duterte
Hamon ni Mayor
Matapang naman na naghamon si Mayor Celso Regencia sa kanyang mga kritiko.
“Kung may nakita silang maraming anomaliya, magdemanda sila at haharapin ko sa korte,” sabi ni Mayor Celso Regencia.
Si Mayor Regencia ay isang kilalang malapit na kaalyado ni Pangulong Duterte. Isa sya sa masugid na sumusuporta sa Anti-Terror Bill ni Duterte.
READ MORE: Mocha, Hindi Kakasuhan ng Malacanang Kahit na Lumabag sa ECQ Rules