MANILA, Philippines —Sinita ng Commission on Audit (COA) ang legality ng nasa P189.782 milyong pasahod sa mga tauhan ng People’s Television Network Inc. (PTV-4).
Ayon sa COA, kulang-kulang at kuwestyonable ang mga isinusumiteng daily time record ng nasabing government TV station. Kabilang din umano sa mga tumanggap ng kuwestyonableng pasahod ang mga empleyadong kabilang sa kontrobersyal na contract-of-service na napabalitang unit ng government trolls.
“The audit team would like to point out that this practice of submitting incomplete supporting documents specifically the DTRs for the payments of salaries of permanent, contractual and COS personnel has been observed for several years now,” saad ng COA sa kanilang audit report.
ALSO READ: DOT Nag-Aksaya ng P52-M sa Promotional Materials
Agad umano nila itong ibinalik sa PTV noon pang Disyembre ng nakaraan taon dahil sa mga kulang na dokumento. Wala rin anilang lagda ang mga empleyado maging ang mga supervisors ng nasabing TV station na pag-aari at pinatatakbo ng pamahalaan.
Nagbabala pa noon ang COA na mapipilitan silang mag-isyu ng notices of suspension ngunit wala pa rin anilang tugon ang pamunuan ng istasyon.
Samantala, nitong nakaraang linggo lang ay sunud-sunod ang pagbubulgar ng COA sa mga ahensyang may kaduda-dudang expenditures. Isa na rito ang Department of Health (DOH) sa ilalim ni Secretary Francisco Duque III.
ALSO READ: Duque, Gusto na Sibakin sa Puwesto!