fbpx

Out-of-Touch? Duterte, Hindi Alam ang Detalye ng Pandemya

Duterte calls Robredo 'incompetent,' unfit for presidency

MANILA, Philippines — Sa isang panayam sinabi ni Vice President Leni Robredo na kung bibigyan umano siya ng “blanket authority” o pagkakataong mamuno sa pagtugon sa pandemya, ang prayoridad umano nito ay ang wastong paggamit ng pondo.

“Ang una kong gagawin, titingnan how much money do we have now. Itatabi natin ‘yon sa kung ano ba ‘yung pinakakailangan… Halimbawa isa sa pinakakailangan ngayon, ‘yung pag-asikaso sa healthcare workers natin… Talagang kailangan may kumukumpas sa taas,” ani Robredo. 

Kung titingnan higit isa’t kalahating taon na ang pandemya at makikita ang hindi magandang bilang ng mga nagpopositibo sa nasabing sakit.

Hirap na hirap na rin umano ang mga tao dahil sa kakulangan ng suporta at tulong.

Patay sa COVID-19 sa Pilipinas 28,231 na matapos pang madagdagan ng 90 |  Pilipino Star Ngayon

Talagang kulang na kulang pa rin at napabagal umano ng pagtugon ni Duterte sa krisis pangkalusugang at tila nasa politika lamang umano ang atensiyon nito.

“The last 2 press conferences were really quite frustrating for us kasi nasa middle tayo ng surge na kailangan all hands on deck, ‘yung urgency is really most important now tapos the greater part of the press conference is pinupuna ‘yung mga senador, pinupuna ang COA,” ani Robredo. 

Kapansin-pansin rin umano na tila hindi nito alam ang buong sitwasyon o detalye ng bansa patungkol sa pandemya, at palaging nililihis ang atensiyon sa mga isyu.

“Pag pinapakinggan ko at binabasa ‘yung transcript, may sense ako na hindi na niya alam lahat ng detalye. Ang tingin ko lang, kulang sa pagtutok sa detalye,” saad niya.

Dagdag pa ni Robredo, Imbes umano na awayin nito ang mga senador at depensahan ang mga sangkot sa umano’y korupsyon mas mabuti pang’ tutukan nito at pagaanin ang krisis pangkalusugang kinakaharap ng basa.

Bayanihan e-Konsulta Archives - MyCebu.ph: Re/Discover Cebu

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang programa na inilunsad ng opisina ng bise presidente upang magbigay aksyon at tumulong sa COVID-19 Response wala pa rin umano hanggang ngayong opisyal na mandato na tumulong siya sa pagresponde sa nasabing sakit.

ALSO READ: https://bantaynakaw.com/robredo-kinampihan-ang-doh-hindi-dapat-bawasan-ang-doh-budget-pero/