Matapos ang apat na dekada hindi pa rin makakalimutan ng mga tao ang nangyaring taggutom sa Negros noong 1980 sa ilalim ng diktaduryang Marcos.
Ang kaganapang ito ay tinaguriang Negros Famine of 1985 kung saan mahigit 350,000 kabataan ang naging biktima at umabot sa isang milyon ang naapektuhan.
Ayon sa mga saksi noong panahon na iyon, ang taggutom ay dahil sa kasakiman ng isa sa mga alalay ni Ferdinand Marcos na si Roberto Benedicto na na-appoint bilang chief ng National Sugar Trading Corp. Bumagsak ng tuluyan ang industriya ng sugarcane dahil sa pag-hoard ni Benedicto ng mga tubo na kalaaunay nagbaon sa korporasyon sa napakalaking utang. Dito na nagsimula ang taggutom nang hindi na mabayaran o mapaswelduhan ng kumpanya ang mga mangagawa at magsasaka nito.
Kumalat naman ang larawan ni Bongbong Marcos, anak ng diktador na si Ferdinand na nagpapakita kung gaano kagarabo ang pamumuhay ng pamilya habang libu-libo ang namamatay sa nangyaring taggutom.
Tumagal ang taggutom sa Negros hanggang sa pamumuno ni Cory Aquino na unti-unti namang naresolusyunan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga lupain sa mga magsasaka.
Sa ngayon, malayong-malayo na ang kalagayan ng Negros makaraan ang apat na dekada.
Ngunit, mananatili sa alaala at kasaysayan ang masalimuot na bangungot na naganap sa panahon ni Marcos.