Ang buwan ng Abril ay itinalaga bilang Buwan ng Panitikan sa bisa ng Proklamasyon bilang 968 kung saan binibigyang pagkilala ang mga pambihirang talento ng manunulat na Pilipino.
At bilang pagdiriwang, ang tema ngayong taon ay may titulong “Muling Pagtuklas ng Karunungang Bayan”. Ito ay sumasaklaw sa mga nagdaang pangyayari at sa kasalukuyan kung saan sa pamamagitan ng literatura, mapag-uugnay natin ang kasaysayan.