fbpx

Nasaan na ang mga Malasakit Centers?

MANILA, Philippines – Maraming netizens ngayon ang nagtatanong kung maaari ba silang matulungan ng Malasakit Centers na ginamit na campaign platform ni Sen. Bong Go. Ayon sa mga sinabi ng naturang senator noong kampanya, magbibigay ang malasakit centers ng libreng gamot at medical assistance.

Sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa, inulit nya ang pangakong ito.

Habang tinapyasan ng 10 Billion ang Health Budget, dinagdagan naman ang pondo ng Malasakit Centers

READ MORE: Health Budget, Tinapyasan ni Duterte P10 Billion

Malaking isyu ang pagtatapyas ng Administrasyong Duterte sa Health Budget para sa 2020. Ngunit kapansin-pansin naman ng pagdagdag nila ng alokasyon para sa Malasakit Centers.

Kwento ni VictoriaLynn Miranda

READ MORE: Pamilya at Staff ni Bongbong Marcos, Nagpa-COVID Test sa Kabila ng Test Kits Shortage

Si Nanay VictoriaLynn Miranda ay may stage 4 cancer at kasalukuyang kumukuha ng treatment sa PGH. Ngunit dahil kinonvert na ang PGH bilang COVID-19 treatment facility, isa si Nanay VictoriaLynn sa higit na 4,000 na pasyente ang mawawalan ng treatment facility.

Dalawang araw nang walang kain si Nanay VictoriaLynn. Sya ay nagbakasakali at pumunta sa DSWD Batasan upang manghingi ng tulong sa Malasakit Centers ni Bong Go na pinopondohan ng pera ng taumbayan.

READ MORE: 14 Billion ng COVID Budget, Inilaan ni Duterte sa “Turismo” Sa Kabila ng Lockdown

Pagdating ni Nanay VictoriaLynn, wala syang nadatnan sa Malasakit Center maliban sa isang mesang walang tao.

Hindi ramdam ang Malasakit Centers?

READ MORE: VP Leni, Nagpadala ng Mga Libreng Bus Para sa mga Stranded Health Workers

Kinumpirma ito ng mga netizens na hanggang ngayon ay hinahanap ang malasakit mula sa Malasakit Centers.

READ MORE: SOCIAL DISTANCING? Bong Go, Nagsagawa ng Malaking Pagtitipon sa Butuan sa Kabila ng COVID-19

READ MORE: PCOO, Binatikos. Mas Inuna ang Byahe sa Europe Imbes na Tutukan ang COVID-19

READ MORE: Duterte Admin, Pinapasok ang 536,205 Chinese sa Pinas Simula December 2019 – Report