fbpx

Nanay ni EJ Obiena, Dawit sa Kaso. Pambayad ng Coach, ‘Itinago’ ng Higit Dalawang Taon?

Mistulang’ madadamay ang nanay ni EJ Obiena sa isyu na kinasasangkutan ng anak.

Lumalabas sa mga dokumentong binusisi ng Commission on Audit (COA) na tinanggap ni Jeanette Obiena ang ilang milyong piso na dapat ay pambayad sa coach ng kanyang anak, ang pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa naganap na imbestigasyon, inabot ng higit isang taon bago nabayaran ang nasabing coach.

Sa datos makikitang directang tinanggap ni Jeanette Obiena ang mga naturang pera:

Direkta rin’ nyang tinanggap ang mga naturang cheke na para sa anak na si EJ Obiena:

Higit Dalawang Taong Late Payment sa Coach

Ang malaking katanungan, bakit inabot ng higit dalawanag taon bago nila binayaran ang coach ni EJ Obiena na si Vitaly Petrov?

Makikita sa dokumento ang mga payments na natanggap ni Petrov:

Ibig sabihin, July 2019 pa lang ay meron nang higit walong milyong pisong (PHP 8,423,098.55) hawak si Jeanette Obiena ngunit September 2020 lang nila sinimulang binayaran si Coach Petrov ng kakarampot at ngayong Nobyembre 2021 lang nila nabigay ang bulto ng coaching fees nito nang simulan silang imbestigahan.

Jeanette Obiena’s Metrobank Account

Base sa report ng Daily Tribune, nagdirect transfer ng $12,000 si Jeanette Obiena kay Coach Petrov nito lamang November 5, 2021 habang nagkakaroon ng imbestigasyon. At saan galing ang direct bank transfer? Sa kaparehong personal Metrobank Account ni Jeanette kung saan nya ipinasok ang higit Php 800,000.00 noong July 9, 2019.

Ibig sabihin, tumagal sa kanya ng dalawang taon at apat na buwan ang pera ng taumbayan.

COA Ruling

Ayon sa Commission On Audit (COA) rules, bawal na itago nang matagal ang pera ng taumbayan. Dapat ito iliquidate agad base sa petsa na nakasaad kung kelan ito gagamitin.

Ginawa ang rule na ito upang maiwasan na inegosyo at patubuin pa ang pera para sa pansariling kagustuhan ng kahit sino man.

Ngayon nananawagan ng COA special audit upang malaman kung saan inilagay o kung ginamit ba ang naturang pera sa ibang paraan bago ito ibinayad kay Coach Vitaly Petrov.

Ayon sa COA rules, hindi ito usapin kung nabayaran ba ang coach. Usapin ito kung bakit inabot ng higit dalawang taon bago ito binayaran kung matagal nang hawak ng mga Obiena ang perang pambayad.

Ano ang rason?

Makikita ang involvement ng isang businessman na si Jim Lafferty sa masusing pagdepensa sa mga Obiena. Sya din umano ang tumulong sa mga financial transfers ng mga Obiena.

Abangan…