fbpx

‘Nag-iimpake na ako’: Duterte says Ready to Leave Presidency

MANILA —Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang umalis sa kanyang puwesto at ibigay ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang magiging kapalit.

“Nag-iimpake na nga ako eh. ‘Yung iba ipinadala ko na, ‘yung madala sa barko, binarko ko. You know the small things, ‘yung mga tokens, ‘yung mga bronze, ‘yun ang inuna ko, ‘yung mga mabigat,” ani ni Duterte.

Handa rin daw siyang umalis sa Malacañang at salubungin ang bagong pangulo.

“I await the day of turnover. Matikman ko rin ‘yung feeling ng outgoing president. I will be the one to meet the new president, then I will invite him here for a tete-a-tete,”  dagdag pa niya.

I'll send my gray ships if you drill for oil, Duterte tells China |  Philippine News Agency

Sinabi ni Duterte na umaasa siyang matapos ang pag-iimpake sa kanyang opisina sa Malacañang sa Marso o Abril.

“Nag-iimpake na po ako. I have a little over 3 months, so I should be out by March, hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na rin ako matutulog dito. Kung saan dalhin ng Panginoong Diyos, magpraktis na ako ng tulog doon,”  ayon sa kanya.

Kapag tapos na siyang alisin ang lahat ng kanyang kagamitan, pupunta na lamang daw siya sa Palasyo araw-araw para gampanan lang ang kanyang mga tungkulin bilang pangulo sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.