MANILA, Philippines – Matatandaan na ipinagmayabang ni Pangulong Duterte sa kanyang televised address na magbibigay ng cash ang gobyerno na nagkakahalaga ng Php 5000 – Php 8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan sa mga mahihirap na pamilyang lubos na apektado ng enhanced quarantine.
“Lahat ng Pamilya Mabibigyan Kuno”
Mas ipinunto pa ito ni House Speaker Allan Cayetano. Sa kanyang FB live, sinabi ni Cayetano na hindi lang per house ang mabibigyan kundi per household. Ibig sabihin, kung dalawa ang pamilya na nakatira sa isang bahay, dalawa din ang mabibigyan.
READ MORE: Enhanced Quarantine, Posibleng Ma-Extend – National Task Force
Nagkaroon ng pag-asa ang mga Pilipino.
READ MORE: Duterte, Minaliit ang mga Janitors
Problema sa Forms
Ngunit nagsimulang makita ang problema nang mamigay na ang DSWD ng mga forms sa mga barangay. Kailangan ang forms na ito upang makuha ng pamilya ang kanilang cash.
READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.
Kulang ang mga binigay na forms para sa bilang ng mga pamilya sa kada barangay.
Sumunod nito, nagsimula nang magpakita ng hinaing ang mga mayors. Kulang na kulang umano ang inilaan ng national government.
READ MORE: Model na DDS, Nagpakalat ng FAKE NEWS. Binatikos ng mga Netizens
In our 2015 census, Valenzuela has 155k families. I just learned that DSWD will give the P8k to only 95k families in Valenzuela. Anong mayayari sa naiwan na 60k na pamilya namin? Paano namin hahanapin yon 95k na pamilya? Anong qualifications para makasali sa 95k?
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) April 1, 2020
Base sa mga inilabas ng mga Mayors, ito ang kasalukuyang estimated na bilang ng mga pamilyang posibleng hindi mabigyan ng SAP Cash dahil sa “quota system”:
- MANILA: 250,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- VALENZUELA: 60,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- MALABON: 44,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- MUNTINLUPA: 46,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- PARANAQUE: 82,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
- CAINTA: 34,000 na pamilya ang hindi makakatanggap.
.@CabSec_Karlo Nograles says only indigent senior citizens will be given cash subsidies. | via @azereraser
— Phil News Agency (@pnagovph) April 6, 2020
Malaking Problema ng mga LGUs
Ito ang kinkabahala ng mga LGUs partikular ang mga barangay na kaharap ng taumbayan. Ayon sa kanila, umasa na ang taong bayan mula sa pangakong cash ni Duterte at Cayetano.
READ MORE: Ang BF kong DDS
Sila umano ang masisisi ng mga tao kung hindi matutupad ang pangakong ito.
Panoorin ang hinaing ng isang barangay captain.
READ MORE: DAHIL HINDI NAG BAN NG CHINESE: South Korea President, Ipapa-Impeach