fbpx

Moreno nanindigan sa “withdraw call” para kay Robredo

Mas lalong naging maingay sa social media ang pag-call out ni presidential aspirant Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo upang ito’y mag-withdraw na sa pagka-pangulo.

Sa isang snap interview ngayong araw, Abril 20, nilinaw ni Moreno ang kanyang panawagan na mag-withdraw si Robredo sa kandidatura at hinamon niya itong patunayan na hindi galing sa kanya ang naunang withdraw cal para sa kanyang kampo at sa iba pang presidential candidates,

“I challenge the honorable Vice President Leni Robredo, deny. Deny niyo na hindi niyo kami pinaatras, na hindi niyo pinaatras si Norberto Gonzales, hindi niyo pinaatras si Senator Ping.

‘Kayo lang ba ang may karapatan tumakbo? Kayo lang ba ang magaling?”

Hindi rin pinalampas ni Moreno ang tagapagsalita ni Robredo, si Barry gutierrez,

“’Barry tabi ka na sa gedli (gilid). Pasalitain mo amo mo. O baka hindi niya mabasa, kailangan niya teleprompter.”

Ayon naman kay Gutierrez, maaaring may mga 3rd party lang na nais pagbuklurin ang ibang kandidato upang matalo si Bongbong Marcos sa pamamagitan ng paglipat kay Robredo,

“’I think what’s happening here is that there are 3rd parties siguro talking to them, encouraging them na magsanib puwersa na lang kayo.”

Habang inamin naman ni Moreno na ang withdraw call niya para kay Robredo ay sarili lamang niyang panawagan at hindi kabilang ang dalawa pang tumatakbo sa pagka-pangulo, sina Gonzales at Lacson. Ito ay matapos na ganapin ang isang press conference na dinaluhan ng tatlo sa isang 5-star hotel sa makati noong Linggo, Abril 17.