Maaaring makasuhan si Bongbong Marcos sa mga ill-gotten wealth na nadiskubre sa pamumuno ng kanyang amang si Ferdinand Marcos. Ito ay ayon sa dating komisyoner ng Presidential Commission on Good Governance(PCGG), Ruben Carranza.
Ayon kay Carranza napakarami pang nakaw na yaman ang hindi pa nababawi mula sa mga Marcos at maaaring malaking parte ang ginagampanan ni Bongbong Marcos sa pagtatago ng mga ito.
“Marcos Jr. is the co-administrator of the estate of his father, together with his mother (Imelda), and he has been hiding these assets.This should be a separate ground for a criminal case that can be filed against him for money laundering,” sabi ni Carranza.
Sa batas, maaaring magsampa ng kaukulang kaso ang Anti-Money Laundering Council o kahit sinong indibidwal sa presidential frontrunner Bongbong Marcos kalakip ng mga ebidensya at dokumentong magpapatunay dito.
Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang PCGG sa pagkamkam ng 125 bilyong natitirang ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos habang ang BIR naman ay patuloy na kinokolekta ang 203 bilyon estate taxes nito.