MARAWI, Philippines – Hindi makakalimutan ng mga taga Marawi ang matapang (at mayabang) na pangako sa kanila ni Pangulong Duterte. “Marawi will rise as a prosperous city again!” sabi ng Pangulo.
Ngunit tulad ng halos lahat ng pangako ng Pangulo, mukhang pati mga taga-Marawi ay naDuterte din.
READ MORE: P45,000 Para sa 1 Box ng Pako? Mayor na Kaalyado ni Duterte, Viral Dahil sa COA Report
Ayon sa COA…
Ayon sa dokumento ng Commission on Audit (COA), nakatanggap ang Office of Civil Defense ng P36.92 Million para sa rehabilitation ng Marawi noong 2018. Ngunit P10,000 lang ang nirelease nila noong 2018.
Ang P10,000 na ito ay ibinigay sa isang residente na namatayan dahil sa Marawi siege.
Ayon sa COA report:
“The poor utilization of the donated funds defeated the purpose of donation, and the good intention of the donors for human consideration was not fully served,”
Pahirapan sa Paghingi ng Ayuda
Imbis na madaliin, pinahirapan pa umano ang mga residente ng Marawi sa pagkuha ng ayuda. Napakadaming dokumento ang kailangan ipakita para sa kakarampot na makukuha.
Ayon sa National Disaster Coordinating Council Memorandum Order 13, ito ang mga kailangang dokumento para makatanggap ng ayuda ang mga nasugatan:
- Incident report mula sa Pulis
- Medical certificate mula sa Ospital kung saan naconfine ang biktima na hindi bababa sa tatlong araw
- Endorsement mula sa local disaster official
Para naman makakuha ng ayuda para sa mga namatayan, kailangan nila isumite ang mga dokumentong ito:
- Incident report mula sa Pulis
- Medical certificate mula sa Ospital kung saan naconfine ang biktima na hindi bababa sa tatlong araw
- Endorsement mula sa local disaster official
- Barangay Certificate
- Death Certificate
- Proof of relationship sa namatay
Ito ay para makatanggap ng kakarampot na P10,000 para sa mga namatayan at P5,000 sa mga nasugatan.
READ MORE: Palit Oligarchs? Duterte, Gustong Mas Payamanin ang mga Kaibigan
Na-expire ang Donations
Ayon din sa COA, lahat ng claims ng donations ay dapat within 1 year. Kapag lumagpas dito, hindi na maaaring kunin ang pondo na mula sa donations.
Ang tanong ngayon, nasaan na napunta ang pondo para sa Marawi?
READ MORE: Apat na Taon Matapos Ipangako, Bank Accounts ni Duterte, Ayaw Pa Din Ipakita.