fbpx

Mga Utang ni Marcos Patuloy pa ring Binabayaran ng Pilipino Matapos Ang Apat na Dekada? 

Kaya nga bang ilubog ng isang pangulo ang kanyang bansa sa bilyun-bilyung utang?

Ferdinand Marcos timeline | Timetoast timelines

Pinatunayan ito ng naganap na Foreign Exchange Crises o ‘yung kakulangan ng suplay sa dolyar na nagbunsod sa marami pang pagkakautang. Ayon sa tala mayroong higit kumulang na 26.7 biyon dolyar na utang ang Pilipinas sa pagtatapos ng termino ni Marcos noong 1986. 

Isinara ang Central Bank noong 1983 dahil hindi na nito kayang magbayad para sa mga Import goods o ‘yung mga produktong inaangkat mula sa ibang bansa na siyang nagbigay daan sa pagkakatatag ng  Bangko Sentral ng Pilipinas.

Golden Age nga bang maituturing ang panahong ito o isa lamang pagpapakitang-gilas sa mga unang taon ng pamumuno? Kahit pa na umusbong ang GDP mula P6B hanggang P30B , hindi ito sapat na basehan para masabing Golden Age ang panahon ni Marcos.

Maraming isyu  o problema ang kinakaharap ng bansa dahil sa Batas Militar–public disorder, excessive violence, at massive debts kung kaya’t  sa halip na Golden Age ay Dark Age ang taguri ng karamihan dito.

Former Philippines dictator Ferdinand Marcos buried in Heroes' cemetery |  CNN

Siguro’y marapat lamang na mabigyang linaw ang kasaysayan lalo na sa mga kabataan upang magbigay mulat sa darating na halalan. Kung patuloy na pasasaringan at hindi uungkatin ang malagim na nakaraan, baka wala na ring liwanag tayong masilayan sa mga susunod na panahon.