Sept. 21, 1972 – araw ng pagkakatatag ng Martial law.
Agad na dinakip ang mga kalaban ng gobyerno kinabukasan, Sept. 22.
Una na nga dito si Benigno Aquino Jr.,kilala bilang mahigpit na oposisyon ng diktador, tatlong senador, tatlong kongresman, dalawang gobernador apat na delegado at walong mamamahayag.
Sept. 23, 1972 – inanunsyo ni Press Secretary Francisco Tatad ang pagpapatupad ng Martial law sa isang TV broadcast na umere sa buong bansa. Sinundan ito ng pag-ere ni Ferdinand Marcos mismo bandang 7pm.
Narito ang listahan ng ilan sa mga totoong pangyayari sa ilalim ng Martial law:
107,240 – naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
70,000 – katao ang inaresto nang walang warrant.
34,000 – na tao ang tinorture.
3,240 – ang namatay sa kamay ng military at pulis.
8 sa malalaking pahayagan ang ipinasara.
66 TV channels, 20 istasyon ng radyo at 292 provincial radios ang ipinasara.
683 milyon dolyar ang nadiskubre sa ilalim ng Swiss account.
10 bilyong piso ang sinasabing ninakaw ng pamilyang Marcos sa dalawang dekadang pamumuno.
28.26 bilyon dolyar na pagkakautang sa ibang bansa ang iniwan ni Marcos sa pagtatapos ng kanyang termino.
P35 hanggang P23 – naging arawang kita ng mga manggagawa sa huling taon ng kanyang pamumuno.
6 sa 10 pamilya ang sinasabing mahirap sa huling taon ni Marcos.
Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga katotohanang pilit na pinasisinungalingan ng pamilyang Marcos.Dapat lamang na maging bukas ang mga tao sa pagtanggap ng katotohanan lalo na kung ito ay naitala at may patunay ng kasaysayan.