MANILA, Philippines – Isa si Dianne de Castro sa mga magigiting na nurses na lumalaban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Sya ay nurse sa Philippine General Hospita (PGH), ang pinakamalaking government-owned health facility sa bansa.
Apat na buwan na syang nagtatrabaho ng shifts na higit sa 8-10 na oras.
Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay sa mga private donations pa din sila umaasa ng suporta tulad ng mga PPE’s at minsan pa nga at nagrecycle sila ng masks.
“I don’t feel secure working in this pandemic,” sabi ni Diane.
Trilyong budget ng Duterte Admin para sa Covid
Sa dami ng inutang kasama na ang mga “emergency funds” reallocation ng Duterte Admin, aabot na sa trilyon ang nalikom nilang pondo para umano sa COVID response.
READ MORE: Apat na Taon Matapos Ipangako, Bank Accounts ni Duterte, Ayaw Pa Din Ipakita.
Malaking bulto nito ay napunta sa DOH na pinamumunuan ng kaibigan ng pangulo na si Francisco Duque III.
READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific
Nauna nang nakatanggap na tumataginting na 45 billion pesos ang DOH. Ayon sa report, ibinili umano ang bulto nito ng PPEs pati na ng test kits.
Ngunit hanggang ngayon, kakarampot pa din ang nadedeliver. Ano na ang nangyari?
Nasaan na ang pondo?
“Wag kayong matakot. May pera ako!” – Duterte (March 30, 2020)