MANILA, Philippines – Dumagsa ang mga commuters kanina sa iba’t-ibang sakayan sa Metro Manila upang pumasok sa trabaho. Ito ay nakakagulat sapagkat ito din ang unang araw ng sinasabing community quarantine o mas tinatawag na “lockdown” ng mga tao.
READ MORE: VP Leni, Nakakalap ng Higit P12 Million Para sa Mga Health Workers
Ayon sa ibang commuters, handa silang makipagsapalaran sapagkat wala silang kakainin kung hindi sila magtatrabaho. Hindi naman daw malinaw kung magbibigay ba at kung mabibigyan sila ng tulong ng gobyerno.
READ MORE: Health Budget, Tinapyasan ni Duterte P10 Billion
Nanawagan ng social distancing ang Gobyerno dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa https://www.worldometers.info/ meron nang 140 COVID-19 cases sa bansa at 12 na ang namamatay as of posting time. Ang Pilipinas ang may isa sa pinaka mataas na infected-to-mortality ratio.
READ MORE: Mga POGO, Exempted sa Lockdown – PAGCOR
Mga pasaway na opisyales
Habang hindi natin masisisi ang mga ordinaryong Pilipino na makipagsapalaran para lamang may makain, iba naman ang kaso sa mga pasaway na government officials.
READ MORE: Water Shortage, Posibleng Mas Lumala Dahil sa Pagdagsa ng Chinese
Unang una dito si Bong Go.
Sa kabila ng abiso ng Gobyerno na wag muna gumawa ng mga gatherings at imaintain ang social distancing, tila ang mga matataas na Government Officials pa ang nangungunang maging pasaway.
Nito lamang nakaraang Sabado, March 14, 2020, nagsagawa ng isang malaking pagtitipon sa Butuan City ang Tapang at Malasakit na programa ni Bong Go. Makikita ito sa post ng Tesda Caraga.
READ MORE: SOCIAL DISTANCING? Bong Go, Nagsagawa ng Malaking Pagtitipon sa Butuan sa Kabila ng COVID-19
Burado na ang nasabing post.
READ MORE: Gobyerno, Ikukulong Daw ang Hoarders. Asawa ni Dennis Uy, Nanguna Mag-Hoard?