fbpx

Mga bilyonaryo at elitistang business oligarch imbitado sa magarbong victory party ni Bongbong

Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ni Bongbong kasama ang mga business oligarch sa bansa gaya ng mga may-ari ng naglalakihang kumpanya nna Aboitiz, Megawide, at Araneta Properties. 

Isa sa mga panauhin dito si Sabin Aboitiz, ang presidente at CEO ng Aboitiz Equity Ventures na may mga negosyo sa industriya ng power, financial services, food manufacturing, real estate, at infrastructure. 

Nandito rin si Kevin Tan, ang may-ari ng Alliance Global na parent company ng Megaworld Travellers International, Infracorp Development, at Golden Arched Development Corporation, ang may hawak sa prangkisa ng McDonald’s sa Pilipinas. 

Isa pang high-profile person na dumalo sa victory party ito ay si Greggy Araneta, ang bayaw ni Bongbong at chief ng PhilWeb Corporation at Araneta Properties. 

Narito rin si Kim Wong, ang Chinese na casino agent na ‘di umano, pagnanakaw sa $81 milyon mula sa Bangladesh Bank. 

Kapansin-pansing sila ay umiinom ng Opus One California Red na alak na nagkakahalagang P50,000. Ang victory party ay ginanap sa Solaire, kung saan ‘di umano nag-book ang Uniteam ng 90 na kwarto, 2 villas, at isang tent mula Biyernes hanggang Linggo.