fbpx

Mga Bangkay, Nagkalat na sa Hallway ng East Ave Hospital – Spokesperson

QUEZON CITY, Philippines – Ayon sa Spokesperson ng East Avenue Medical Center (EAMC) na si Dr. Dennis Ordoña, nagkalat na sa hallway ng morgue nila ang mga bangkay.

Ang EAMC ang isa sa mga pangunahing ospital na kasalukuyang lumalaban sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa interview ng CNN Philippines kay Dr. Ordoña, naipon ang mga bangkay sapagkat hindi ito kinukuha.

READ MORE: DENR, Pinagbawalan ang Lahat ng Empleyado na Magpost ng Negatibo Tungkol sa Gobyerno.

“Nangangamoy na”

Ang ibang bangkay pa umano ay apat na araw nang nakatengga sa nasabing ospital kaya nagsisimula nang mangamoy. “honestly po, may mga bangkay na po doon na nangangamoy na. Umaabot na din po admittedly ‘yung amoy sa ibang areas po ng hospital.” sabi ni Dr. Ordoña.

Kulang daw kasi ang mga equipment ng ospital tulad ng freezers para dito.

READ MORE: Ngipin ng Batas VS Butas ng Batas? Netizens Slam Duterte’s Attack to Diokno.

Bulgar ni Arnold Clavio

Lumabas ang statement na ito matapos ibulgar ng batikang journalist na si Arnold Clavio sa kanyang social media pages na tambak na umano ang patay sa isang ospital sa Maynila. Dagdag pa ni Clavio, may utos daw sa ospital na wag na ireport ang bilang ng mga namatay dito.

Pinakita din ni Clavio ang screenshot ng kanilang conversation ng sinasabing frontliner na nagsumbong sa kanya.

READ MORE: PAASA LANG? SAP Cash na Ipinangako ni Duterte, Hindi Lahat Mabibigyan Dahil sa “Quota System”. Mga LGUs, Nagreklamo.

Pagtanggi ng DOH

Bago pa man lumabas ang statement ng EAMC, pinabulaanan na ng Department of Health (DOH) ang ulat na ito. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, wala silang naging utos na ganito sa mga ospital.

As of posting time, wala pang pahayag ang DOH ukol sa statement ng EAMC.

READ MORE: PPEs na Binili ng DOH, Overpriced!



Comments

  1. Dapat maging responsable ang pasilidad para dyan, magtulungan tayo! huwag tayo pabigat sa gobyerno.

  2. Dapat mag bayanihan tayo at ayusin ang pasilidad para dyan, magtulungan tayo! huwag tayo pabigat sa gobyerno.

  3. ‘Di ba may proyekto si Joy Belmonte, dapat ‘dun na lang ilagay mga patay.

Comments are closed.