Matapos ibida ang mga indigenous people sa opening ng SEA Games, nagulat ang mga netizens nang may nagpost ng liham mula sa BCDA na natanggap umano ng mga Aeta na naninirahan sa loob ng New Clark City.
Base sa sulat, napadala ito noong Nobyembre 29, 2019, isang araw bago opisyal na magbukas ang SEA Games 2019.
Ayon sa liham, kung hindi sila makikipagugnayan at lilisan sa loob ng pitong araw, “mapipilitan ang BCDA na gumawa ng mga ligal na hakbang ukol sa nasabing lupain.”
“Nangangahulugan din po ito na ipinauubaya na ninyo sa pamahalaan ang paglilinis ng nasabing lupain at pagbabaklas ng anumang istruktura na nakatayo dito, at dahil po dito ang pamahalaan ay walang pananagutan sa anumang pinsalang maaaring idulot sa inyong kabahayan ay ari-arian.”
Ayon sa umano’y phone interview ng blogger na si Rey Joseph Nieto a.k.a. “Thinking Pinoy” kay BCDA President Vince Dizon, binigyan naman umano ng compensation ang mga pinaalis na Aeta sa New Clark City.
Ayon sa post ni Nieto, “BCDA offers very generous compensation packages to the ISFs in New Clark City, including livelihood assistance. If they have homes, we provide them with an alternative housing area within New Clark City.”
Para sa mga nagsasaka na Aeta sa New Clark City, binayaran sila ng Tatlumpung Piso (Php 30.00) kada square meter ng lupain nila.
Read Thinking Pinoy’s Post here.
Sa kabila nito, sari-sari ang reaksiyon ng mga netizens sa pangyayari: