MANILA, Philippines – Sa kanyang televised address, sinabi ni Pangulong Duterte na pinatalsik na nya umano si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna dahil sa pagtawag nya ng imbestigasyon laban sa mga pagtulong na ginagawa ni Vice President Leni Robredo.
READ MORE: Gobyerno, Pinapatigil ang mga Proyekto ni VP Leni Para sa mga Frontliners
Matatandaan na sinabi kahapon ni Luna na tinatawagan nya ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ginagawang proyekto ni VP Leni upang matulungan ang mga COVID-19 Frontliners.
Ang rason nya? Dahil daw kinukompetensya ni VP Leni ang Gobyerno.
READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.
Dahil dito, umani ng napakaraming batikos si Luna. Sa sobrang init, nagsalita agad ang PACC na hindi ito ang kanilang opisyal na pahayag bagkus opinyon lamang ito ni Luna.
READ MORE: VP Leni, Nakabigay na ng Higit 25,000 na PPEs sa mga Ospital