MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Sen. Bato Dela Rosa ang pagkansela ng US State Department sa kanyang US Visa.
Sumulat umano ang kanyang opisina sa US Embassy upang itanong ang status ng kanyang US Visa. Sinabi daw ng US Embassy na cancelled na ang visa ni Bato. Wala daw binigay na rason kung bakit.
Matatandaan na inaprubahan na ng US Senate ang mga sanctions laban sa mga “human rights offenders”.
Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na talagang banned na si Sen. Bato sa pagpasok sa Estados Unidos. Pati ang mga ari-arian nya na nasa US ay posibleng i-freeze.
“Masama ang loob ko!”
“Tao lang tayo. Syempre sasama ang loob ko!” ayon kay Sen. Bato. “I’ve been helping my counterparts from the US Government.”
Ayon kay Bato, maaring mag-apply ulit sya ng panibagong visa.
Kasal ni Jolo Revilla sa US
Ayon sa isang source, nalaman umano ng ilan sa mga Senador na banned sila sa US noong nagplano silang pumunta sa kasal ni Jolo Revilla sa California noong December 15, 2019.
Kapansin-pansin na imbitado ang maraming kaalyadong Senador nila Revilla sa kasal ngunit halos walang nakapunta.
Dagdag ng source, nagkagulatan umano sapagkat hindi binigyan ng US Visa ang mga naturang Senador ngunit nabigyan ang mga yaya na isasama sana nila sa US.