Habang papalapit ang eleksyon, mas umiingay ang mga kasong ibinabato may Marcos. Isa na rito ang 203 bilyon estate taxes na hindi pa rin binabayaran ng angkan.
Tuloy naman ang pagpapakalat ng fake news ng mga taga suporta ni Bongbong tungkol sa isyu. Base na rin sa pahayag ng isang political analyst na upang mabayaran ang mga buwis kailangan umanong tanggapin ng korte na hindi ill-gotten wealth ang yaman ng pamilyang Marcos.
Sinagot ito ng isang abogado sa ngalan ni Mickey Ingles, 2012 Topnotcher sa bar exams at propesor sa Ateneo.
“That’s wrong logic, and a wrong understanding of the law. Because under the tax code, it doesn’t make a distinction whether the property is legally acquired or illegally acquired such as ill-gotten wealth. So as long as that property is yours at the time you die, pasok ‘yan sa gross estate mo at tatamaan ‘yan ng estate tax,” paliwanag ni Ingles.
Noong 1997 naglabas ang Supreme Court ng kautusan laban sa mga Marcoses kaugnay ng pagbabayad ng estate taxes na may halagang 23 bilyong piso. Lumobo ito sa 203 bilyon dahil sa mga penalties at surcharges.
Base naman sa ibang depensa ng angkan, sinasabi nilang ang estate taxes ay naka-charge sa estate at hindi dapat bayaran ng tao mismo.
Pinabulaanan ito ni Kim Henares,dating chief ng BIR. Ayon sa kanya hindi maaaring maipasa ang ari-arian sa tagapagmana hangga’t hindi nababayaran ang buwis.
“Kung nakapangalan ‘yun sa namatay, hindi ho ‘yan puwedeng ilipat hangga’t hindi po kayo nag–file ng estate tax return, at kung may buwis, babayaran muna ‘yun bago maglalabas ang BIR (Bureau of Internal Revenue) ng certificate authorizing registration,” paglilinaw ni Henares.
Ipinagdiinan naman ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio kung bakit wala pang ginagawang aksyon ang BIR gayong malinaw at malakas na ang mga ebidensya.
“Ano pa hinihintay ng BIR, file-an na ng criminal case, that is the last thing they can do,” pahayag ni Carpio.