fbpx

Marcos palalakasin pa ang PCGG at hindi ito-tolerate ang anumang korapsyon

Sa isang panayam kay presidential candidate frontrunner senator Bongbong Marcos, sinabi niyang palalakasin pa niya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pamamagitan ng paghuli sa lahat ng korap at hindi lamang nakasentro sa pamilyang Marcos.

Itinanong ng CNN Philippines sa isang panayam noong Martes, Abril 26 kung ano ang gagawin nito sa PCGG na siyang naatasang bawiin ang mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos.

“Instead of directing themselves against the Marcoses only, I mean kung meron akong corrupt na kamag-anak, eh di lalabas ang pangalan niya but not only us. Lahat,” sagot ni Bongbong.

Handa rin umanong dagdagan ni Marcos ng pondo at manpower ang komisyon kung kinakailangan,

“Nasa ibang panahon na tayo eh. Hindi na ‘yun (ill-gotten wealth) ang issue. Ang issue is just graft and corruption in the government,” he said. “They’re already there. Eh di gamitin mo na. Patibayin mo pa para talagang meron kang agency na walang ginawa kundi nagbabantay na walang gumagawa ng kalokohan.”

“Then mag-file sila ng kaso sa Ombudsman. ‘Yun ang role talaga nila eh (Then they file cases before the Ombudsman. That’s their role). Although it’s directed against the Marcoses, that function has lapsed, they cannot file cases anymore,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan mayroon pang 125 bilyong piso ang hindi pa rin nababawi mula sa 400 bilyon na ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.

Handa naman daw maging “leader by example” si Bongbong Marcos at hindi ito-tolerate ang mga korapsyon at pagnanakaw sa gobyerno.

“Leading by example is very simple. Do not tolerate this kind of – ‘yung ginagawa na kinukuha ‘yung pera ng gobyerno (people stealing from public coffers),” he said. “At a lower level in bureaucracies, if we improve the efficiency, ang ideal dyan lalo na sa lower levels, walang fixer,” ayon pa kay Marcos.