Sa pangalawang pagkakataon, hindi sinipot ni Bongbong Marcos ang presidential debate na inorganisa ng Comelec noong Linggo, Abril 3 na idinaos sa Sofitel.
Dahil dito nadismaya ang iba pang kumakandidato sa pagka-pangulo. Ayon kay Leody De Guzman o Kaleody dapat ay dumalo si Marcos upang malaman ng publiko ang mga plataporma nito. Nag-udyok naman ito sa iba pang presidential bets upang i-call out ang Comelec sa kaukulang parusa sa mga hindi dadalo sa anumang debate.
Habang nagaganap ang debate noong Linggo, abala naman si Bongbong Marcos sa pakikipagpulong sa sampung gobernador. Kinilala ang mga gobernador bilang sina:
Quirino – Dax Cua
Lanao del Norte – Imelda Dimaporo
La Union – Pacoy Ortega
Cotabato – Nancy Catamco
Capiz – Nonoy Contreras
Southern Leyte – Damian Mercado
Kalinga – Ferdinand Tubban
Abra – Joy Bernos
Ifugao – Jerry Dalipog
Camiguin – Gubernatorial candidate Xavier Romualdo
Ang hindi pagsipot ni Marcos sa mga forum at debates ay tanda ng pagsasawalang-bahala nito sa sistema ng eleksyon.Hindi na ito bago kay Bongbong dahil hindi din ito dumalo sa ginanap na CNN presidential debates at forum ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mananatili ang kampo ni Marcos sa paniniwala nitong ang debate ay hahantong lamang sa mga paninira at pagbato ng mga isyu tungkol sa naturang kandidato.