Nagpaliwanag si Vic Rodriguez, chief of staff at spokesperson ng UNITEAM ukol sa kumakalat na impormasyon sa social media ngayon kung saan sinasabing hindi na raw sisipot ang sinuman sa kanilang partido sa kahit anong debate.
Fake news, iyan ang sagot ni Rodriguez sa kumakalat na isyu.
“Isa po syang fake news o pekeng impormasyon na may layong iligaw ang ating mga kababayan mula sa katotohanan.There is no such statement coming from me nor the BBM-Sara UniTeam.”
Sinabi pa niyang ang ibinabatong isyu ay isa lamang taktika o propaganda ng kalaban upang siraan si Marcos at ang mga kaalyado nito.
“This election is all about the future and as such, we the Filipino people deserve more than your gutter strategy. I appeal to those behind this to please respect the intellect and dignity of the people, practice restraint in the spread of your fake news and outrageous lies,” dagdag pa ni Rodriguez.
Kilala ang kampo ni Marcos sa pagkakaroon ng maraming trolls at nagpagpakalat ng maling impormasyon ngunit ngayon, tila sila pa ang biktima nito.
Matatandaan namang ilang ulit na hindi sumipot si Bongbong Marcos sa ilang malalaking forum tulad ng GMA News discussions, KBP forum at CNN Presidential Debate.
Mukhang hindi kayang humarap ni Marcos sa publiko dahil sa mga isyung ibinabato dito tulad na lang ng kanyang kaso sa tax evasion , pekeng diploma sa Wharton University at mga nakaw na yaman ng kanyang pamilya.
Sa kabila ng mga kritisismong ito, mananatiling walang balak si Bongbong na dumalo sa pinakamalaking harapan na inihanda ng Comelec mismo sa Marso 19.