fbpx

Marcos muling nagbalik matapos ang tatlumpu’t limang taon

Matapos ang tatlumpu’t limang taon, iniluklok muli ng mga Pilipino ang anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Philippines election results: Ferdinand Marcos J.r asks world not to judge  him by his family's past - CNN

Hindi maaalis sa kasaysayan ang pinakamalaking pagnanakaw na naganap sa isang pamahalaan.Napatunayan sa korte ang ill-gotten wealth ng mga Marcos na tinatayang may halagang sampung bilyong dolyar. Kaugnay din dito ang bilang ng mga inabuso, ikinulong nang walang sala at mga pinaslang sa pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. Gayunpaman, tila balewala na lang sa Pilipino ang mga nangyari noon at nilimot na rin nang tuluyan ang kasaysayan lalo na’t malinaw na ang pagkapanalo ni Bongbong Marcos Jr,, anak at tagapagmana ni Marcos.

Ang pagkapanalo ni Bongbong Marcos ay bunga ng mga pagbabaluktot ng kasaysayan, pagpapakalat ng fake news at pagpuri sa mga nagawa ng kanyang ama.

Nang dahil dito nasasabik ang mga Pilipino na makaranas muli ng Golden era kung tawagin na siyang ipinalalabas ng kampo ni Marcos.

Ayon kay Ricardo Saludo hindi na muling mangyayari ang mga pang-aabuso sa panahon ng batas militar , “We shouldn’t assume that Marcos will repeat “past evils.”

Marcos Jr wraps up Philippine election campaign as win expected | News | Al  Jazeera

“The Philippines has adopted a new constitution and a host of other laws since 1986 to prevent such abuses. And Filipinos wouldn’t stand for it today. It’s more likely that Marcos will seek to redeem his family’s reputation by governing with integrity and competence,” dagdag pa nito.

Tulad ng ibang bansa,China, Taiwan, Singapore at Japan, mabibilang na rin si Bongbong Marcos sa mga prinsipe na sinundan ang kanilang ama upang maging pinuno ng bansa.