fbpx

Marcos, Muling Magtatago sa Araw ng Comelec Presidential Debates

Hindi dadalo si presidential candidate Bongbong Marcos sa kahit anong tapatang inorganisa ng Comelec.Ito ay ayon sa kanyang spokesperson Vic Rodriguez sa isang pahayag noong lunes, Marso 14.

“I confirm our non-participation in the Comelec sanctioned debate this coming Saturday, March 19, 2022,” sabi ni Rodriguez.

“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ words are his bond, thus we shall honor our commitment to our supporters to be with them on the field on this day,” dagdag pa niya.

Ang kampo ni Marcos ay mananatili sa kanilang paraan ng pangangampanya at pagpapaabot ng mensahe sa publiko sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha sa kanila.

Kung ating babalikan, ilang debate na rin ang hindi pinaunlakan ni Bongbong Marcos tulad ng presidential interview sa GMA News TV, forum sa ilalim ng KBP at ang katatapos  lang na CNN Presidential Debate.

Ang hindi pagdalo ni Marcos sa gaganaping Pilipinas Debates 2022 ay isang malaking sampal para sa ibang kandidato na hindi minamaliit ang anumang pagtitipon kagaya nito.