fbpx

Marcos mananatiling “NO SHOW’ sa huling panel interview

Hindi lalahukan ni presidential candidate at frontrunner Bongbong Marcos ang panel interview na isasagawa ng Commission on Election (COMELEC) dahil sa hectic na schedule nito para sa nalalabing araw ng kampanya.

Matatandaang ang kampo mismo ni Marcos ang nag-suggest ng panel interview format upang masukat lalo ang competency ng isang kandidato.

Samantalang consistent din si Marcos sa hindi pagdalo sa alinmang debate na inorganisa ng Comelec maging ng CNN philippines at ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas.

Ang panel interview ay dapat sanang isang town hall debate kung saan makikilahok ang mga audience sa diskusyon ngunit hindi ito natupad mangyaring hindi nakapagbayad ang Impact Hub Manila ng 14 milyon sa Sofitel Manila.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Bongbong Marcos na si Vic Rodriguez, nagpapasalamat pa rin daw ang kandidato sa imbitasyon ng Comelec kahit hindi ito dumadalo sa alinmang kaganapan.

Ang panel interviews ay pangungunahan ng KBP, ang partner ng Comelec para sa limang araw na event.Iikot ang mga tanong tungkol sa inflation and poverty; unemployment and economy; education; at sa health care and COVID-19 response at ipalalabas sa publiko mula Mayo 2 hanggang Mayo 5.